Bibili ka ba ng Brand New Car o Second-hand Car?
Plano mo na bang bilhin ang iyong Dream Car ngayong taon? Anu-ano ba ang mga katangiang dapat mong tingnan sa isang sasakyan? Brand, design, ilang seater, color, o kung Brand New ba o Second-hand?
Tiyak na may kanya-kanya tayong preferences pagdating sa kulay, design, atbp. Habang pagdating naman sa pagpili between brand new and second-hand unit, may mga bagay na dapat i-consider bago magdesisyon, upang hindi pagsisihan sa huli ang iyong napili, bagaman pareho namang may pros and cons ang brand new car at second-hand car.
Narito ang ilan sa mga dapat isaalangalang:
- Time
Kung bilis sa pagbili ang pag-uusapan, mas mabilis at mas madaling bumili ng brand new car kumpara sa pre-owned car. Ang mga bagong sasakyan ay tiyak na may standard pricing, at repair guarantees na nakatutulong sa mabilis na pag-pili at pagdededisisyon ng bumibili. Samantala, upang maka-siguro, tiyak na kailangan mong usisain ang unit na bibilhin mo, kung ito ay hindi na bago. Kumusta ang kulay at kundisyon? Ayos ba ang interior… ang aircon? Sinu-sino na ang mga naging may-ari nito? Atbp.
- Price
Malinaw na mas mababa ang presyo ng pre-owned car units kumpara sa brand new car units dahil ang value ng mga sasakyan ay nagde-depreciate over time lalo na kung nagagamit. Kung ikaw ay bibili ng second-hand, makakatipid ka ng mula 10% hanggang 70% ng market value ng gusto mong sasakyan. Hindi din ito sakop ng Automobile Tax Reform; na may 2% to 4% na excise tax na pinapataw sa mga new units – sa ngayon, at sana’y sa mahaba pang panahon.
- Condition
Panalo ang Brand New Car kung peace of mind ang pag-uusapan sa kondisyon ng sasakyan. Gayunpaman hindi ibig sabihin na hindi rin de kalidad ang mga Pre-owned Cars. Mas mabuting bumili ka ng Quality Pre-owned Car sa mga mapagkakatiwalaang car companies or dealerships.
- Insurance Premium
Mas mababa ang insurance premium ng pre-owned cars kumpara sa brand new cars, kaugnay na rin sa nagde-depreciate na presyo ng sasakyan. Bagaman maaaring mas mataas ang rate ng insurance ng mas lumang sasakyan, depende sa depreciated fair market value at claims history.
- Use
Gagamitin mo ba ang sasakyan para sa pang-araw-araw na pagpasok sa opisina, or need mo na ng unit para sa buong pamilya? Mahalaga ito sapagkat kung kunsiderasyon ang presyo at kailangan mong gamitin ang sasakyan para sa buong pamilya, baka mas mainam ang malaking second-hand unit, kesa sa isang brand new sedan unit, na maaaring katulad lang ang presyo.
- Bottom Line
At the end of the day, kailangan mong mag-decide kung ano ang best na option para sayo, Brand New Car o Pre-owned Car. Kung second-hand car ang hanap mo, mag-apply na ng GDFI Car Financing, just click here.
#SerbisyongGanado #GlobalPinoy #LoanAtYourFingertips #ServiceIsTheDifference