Business Tycoons Ramon Ang at Lucio Tan tutulong sa mga River Rehabilitations

Simula sa rehabilitation ng Boracay, na sinundan ng sa Manila Bay, ngayon naman ay nakatuon ang marami sa paglilinis ng mga ilog, gaya ng Tullahan River, na itinuturing na isa sa pinakamaruming ilog sa bansa sa kasalukuyan.

Ayon kay Environment Sec. Roy Cimatu, gustong pangunahan ni Ramon Ang, ng San Miguel Corporation, ang rehabilitation ng Tullahan river na nag-uugnay sa Quezon City at Camanava area. As proof, nakatakdang mag-sign ang DENR at ang grupo ni Ang sa isang Memorandum Of Understanding kaugnay sa nasabing plano.

Nagpahatid rin ng abiso ang grupo ni Lucio Tan na nakahanda ring tumulong sa rehabilitation ng ilang major rivers sa Metro Manila” ani Cimatu. Si Tan ang negosyante sa likod ng Philippine Airlines. Dinagdag din ni Cimatu na DENR ang pipili sa kung anong ilog ang pagtutuunan ng pansin ng grupo ni Tan.

Ang kalinisan ng mga bahaging tubig ng bansa ay maaaring makatulong sa atin mismong ekonomiya sa hinaharap. Kung sakaling tunay at tuloy-tuloy na nga ang mga pagbabagong ito, tiyak na maraming Pilipino ang makikinabang, at siguradong dadami pa ang negosyo sa mga nakapaligid na lokasyon sa mga naturang bahaging tubig, katulad na lamang ng sa Boracay.

Anu-anong negosyo kaya ang uusbong sa may Manila Bay at Tullahan River?

Source: https://radyo.inquirer.net

Kung nais magsimula ng negosyo, i-check muna ang iyong pondo. Kung kailangan ng tulong pinansyal, mag-apply na sa Global Dominion Financing Inc.