FengShui Forecast Ngayong 2019

Ibinahagi ni FengShui expert Johnson Chua ang kanyang mga prediksyon sa taong ito base sa ating mga Zodiac Signs. Halina’t ating alamin ang ating kapalaran base sa ilan niyang hirit.

  • Rabbit (Pinanganak ng taon: 1951,1963,1975,1987,1999, at 2011) – May mga tao na tutulong sayo at mag bibigay suporta dahil Magkaibigan ang rabbit at pig kaya maswerte ka ngayong taon sa iyong career or financial matters.

  • Monkey (Pinanganak ng taon: 1956,1968,1975,1980,1992, 2004, at 2016) – Meron 3 bituin na sumusuporta sa iyong zodiac sign. Kahit wala ka pang ginagawang aksyon papasok sayo ang swerte pero maari din itong maging badluck kung hindi iintindihin at aasikasuhin. Subaybayan na lamang ang paghawak ng pera, at huwag maging padalos-dalos sa pag-iinvest at ito’y pag aralan ng mabuti.

  • Rat (1946, 1960, 1972, 1984, 1996, at 2008) – Maraming oportunidad na matuto ngayong taon; magkakaroon ng mga bagong experiences, at mahahasa ang iyong kakayanan. Dahil dito tiyak na lalawak ang iyong kaalaman at karunungan.

  • Snake (1953, 1965, 1977, 1989, 2001, at 2013) – Ikaw ay dapat mag ingat sapagkat numero uno ang snake sa kalaban ng pig. Kontrolin ang emosyon at umiwas sa mga distraction. Pagkaingatan ang pag hawak sa pera, Mag ingat sa mga magnanakaw at manloloko, umiwas sa malalaki at mapanganib na mga transaksyon. I-calculate ng maigi ang lahat ng risks lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa salapi.

  • Sheep (1955, 1967, 1979, 1991, 2003, at 2015) – Ipagpatuloy ang mga ginagawa ngayong taon para hindi gaanong maramdaman ang badluck dahil walang ganong papasok na swerte. Wala rin naman masyadong kamalasan kaya kung ikaw ay nasa investment hindi rin naman ito maapektuhan.

  • Dog (1958, 1970, 1982, 1994, 2006, at 2018) – Bantayan mabuti ang kalusugan at ang mga pag-dedesisyon sa mga bagay-bagay dahil hindi balanse ang mga elemento. Samantala, ang mga bagay na may kinalaman sa pera ay mas mahusay mo ngayong mama-manage.

  • Pig (1959, 1971, 1983, 1995, 2007, at 2019) – Mag ingat dahil ikaw ang sentro ng taong ito at maaaring mapag-initan ka at makakitaan ng pagkakamali. Pagkaingatan ang career at ang pag hawak ng pera, Protektahan din ang emosyon, makipag usap sa mga kaibigan at magpakatotoo sa sarili.

  • Rooster (1957, 1969, 1981, 1993, 2005, at 2018) – Maraming sinyales ng promotion sa iyong career at maaari mo din ayusin ang sistema ng iyong negosyo na maaaring makaapekto sa daloy ng pasok ng salapi. Kung ikaw naman ay single, malakas ang iyong swerte sa love life ngayong taon.

  • Dragon (1952, 1964, 1976, 1988, 2000, at 2012) – Kailangan ng konsentrasyon at ituong mabuti ang sarili sa mga priorities. May kahalo ang swerte na kamalasan kaya dapat pa din mag-ingat iwasang magtiwala agad, kabilang na riyan ang mga bagay na may kinalaman sa pananalapi.

  • Ox (1949, 1961, 1973, 1985, 1997, at 2009) – Alagaan ang sarili lalo na patungkol sa iyong kalusugan lalo ang tiyan sa mga babae. Wag din papabayaan ang emosyon at higit sa lahat huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa iba. Sa kahit na anong aspeto (sa kalusugan,emosyonal na suporta, payo sa trabaho, o suporta sa pinansyal).

  • Horse (1954, 1966, 1978, 1990, 2002, at 2014) – Ikaw ay makakabawi sa taon na ito. Kung maraming nangyari sayo na hindi kaayaya last year, huwag mag-alala at ikaw ay makaka-ahon sapagkat ikaw ang ika-apat sa pinakamaswerte ngayong taon. Pwede kang magnegosyo o mag-invest ngayong taon siguraduhin lang pag-aralan mabuti ang papasukang negosyo.

  • Tiger (1950, 1962, 1974, 1986, 1998, at 2010) – Kung ikaw ay mag-iinvest sa properties makakasigurado kang ito’y lalago ngayong taon dahil tiger ang soulmate ng pig. Pak!

Anuman ang nakasaad dito patungkol sa iyong kapalaran, huwag malungkot o mag-alala dahil nasa atin pa din kung tayo’y maniniwala o hindi. Ito’y nagsisilbing gabay lamang sa atin.

Source: www.gmanetwork.com

Kung kailangan ng puhunan sa mga bagay na pwede kang swertihin ngayong taon, mag-loan na sa Global Dominion Financing Inc.