Go-Jek, Grab competitor, hindi pinayagan ng LTFRB sa Pilipinas

Ang ride-hailing platform competitor mula Indonesia na Go-Jek na nag-expand na sa tatlong bansa (Vietnam, Thailand at Singapore) ay nagka-problema pagdating sa Pilipinas.

Hindi pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang application ng Go-Jek upang mag-operate sa bansa, sa kadahilanang majority ng owners nito ay mga dayuhan, na isang paglabag sa RA 7042 o Foreign Investments Act of 1991, na nagsasabi na dapat ay 60% ng owners ng isang business sa Pilipinas ay Filipino.

Samantla ang ride-hailing industry sa Pilipinas ay pinangungunahan pa rin ng Grab Philippines, na siyang bumili sa operasyon ng Uber sa bansa. Sumusunod ang iba pang ride-hailing platforms tulad ng Go Lag, Hirna, Hype, Micab, Owto, U-Hop at Wunder.

Maraming Filipino na ang patuloy na nakikinabang sa umuusbong na industriya ng transport network companies sa bansa. Dumarami na rin ang bumibili, naglo-loan at napapa-finance ng mga bago at second-hand cars para ipasok sa mga TNCs.

Isa ka ba sa mga regular na rider ng mga TNVS na ito? Ano ang iyong suggestions para mapaunlad pa nila ang kanilang serbisyo? Comment below.

Sources:

https://techcrunch.com

https://www.lawphil.net