Gusto Mo Rin Bang Mag Work-From-Home?

Ang kapapasa pa lamang na “Telecommuting Act” ay binibigyang otoridad ang mga employer na magbigay o mag-offer ng work-from-home option o magtrabaho sa ibang lugar liban sa opsiyal na opisina ng kumpanya, sa kanilang mga empleyado.

Isa sa mga nagwowork from home sa kasalukuyan, at bago pa man maipasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommuting act, ay si Jacqueline, na natratrabaho bilang I.T. consultant sa isang international company sa Quezon City. At dahil international company ang kanyang pinapasukan ang mga kagrupo nya ay mula pa sa ibat-ibang bansa at nakikipag-meeting lang sila gamit ang webcam. Si Jacqueline mismo ang nagpapatunay ng ginhawang hatid ng pagtatrabaho sa sariling tahanan.

Dahil sa naturang batas, hindi na kailangan ng ilang Pinoy na pumasok sa opisina para lang magtrabaho, kung kaya naman nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa sariling tahanan at kung may basbas naman ng kanilang mga employer. Sa kasalukuyan, may ilang kumpanya na ipinatutupad ito sa kondisyon na mayroong maayos na “WIFI” o “Internet connection” ang kanilang work-from-home employees.

Bilang empleyado anu-ano nga ba ang mga benepisyong mapakikinabangan mo kung ikaw ay isang telecommuting employee?

Karagdagang Oras Para Sa Pamilya

Oras din ba ang sinusunog mo sa byahe, na sana ay na-consume mo na sa pangangalaga sa iyong pamilya, o pakikipaglaro sa iyong mga anak? Ngayon, maaari ka ng magkakaroon ng dagdag na oras makasama at maalagaan ang iyong pamilya. Makakapagluto ka na ng mga putaheng usually weekends mo lang naluluto para sa kanila.

Karagdagang Oras Para Sa Sarili

Anu-ano ba ang iyong pinagkakaabalahan araw-araw? Bahay at Opisina ka na lang ba palagi? Kung working from home ka na, pwede ka ng mag-schedule ng exercise, o mag-inat-inat sa pagitan ng iyong mga breaks. Tiyak din na mas mahaba ang oras mo ng pagtulog kung hindi kailangan pang gumugol ng sobrang oras sa biyahe.

Karagdagang Kita

Maari ka din mag side-line kung maaga mong matatapos ang iyong trabaho at kung wala ka na din namang gagawin, extra-income na din ito para makatulong isa iyong pamilya. Anong pwedeng sideline? Tindahan, consultancy, digital content writing, atbp.

May iba ka pa bang naiisip na benepisyo ng telecommuting? Mag-iwan lang ng mensahe sa comments section sa baba.

I-ready mo na ang iyong personal computer at internet connection para sa posibilidad na mapayagan kang mag-work-from-home ng iyong employer.

Kung budget ang hindi ready, mag apply na ng loan sa Gdfi.com.ph.