Investing With A Loan, Okay Kaya?
Sa investments, the higher the risk, the higher the POTENTIAL of return. Ngunit paano ka makakapag-invest kung wala kang excess na cash? Maaari mong basagin ang iyong piggy bank, subalit isa pang option ay ang mag-take ng loan sa isang financing institution.
An investment is an asset or item acquired with the goal of generating income or appreciation. Ang pagbili ng goods to create wealth, or isang asset na binili with the idea na magbibigay ito ng income in the future o maibebenta ito at a higher price for a profit, ay mga halimbawa ng investments. Ang investment ay maaaring business, property, o stocks/shares.
Ang pag-loan ng pera upang mag-invest ay pwedeng maging successful kung alam mo ang iyong ginagawa, bagaman ito ay hindi risk-free. Kung plano mong mag-loan para mag-invest, narito ang mga kailangan mong i-consider.
I-check ang Loan Interest Rates
Bago ka magsimula sa pag-iinvest, kakailanganin mong malaman kung ano ang kasalukuyang interest rates. Mas mataas na interest rate, mas malaki ang iyong babayaran. Ang malaking return of investment ay balewala kung malaking part nito ay mapupunta lang rin sa pambayad ng iyong loan.
Timbangin ang Payments
Ano ang mga terms para sa pagbabayad ng iyong loan? Paano mo ito babayaran kung sakaling ang iyong investment ay malugi? Meron ka bang secure na salary, emergency fund, o other source of income? Ideally, kung ikaw ay maglo-loan para mag-invest ang objective ay maging liquid ito o magkaroon ng mahusay na cash flow on a regular basis na magagamit mo upang bayaran ang iyong utang. Kung ikaw naman ay gumagamit ng buy and hold approach sa pag-iinvest, (isang passive investment strategy kung saan ang isang investor ay bumibili ng items at pinanghahawakan ito bago ibenta sa tamang panahon regardless of the fluctuations sa market), maaari kang maghintay ng mas matagal bago ma-realize ang gains. If that’s the case, importanteng tiyakin mo na kaya mong bayaran ang loan in the mean time.
I-research ang Performance ng Investment
Investing without doing your research is not a good idea, especially kung ginagawa mo ito with borrowed money. Kung may napupusuan kang investment, kailangan mo itong tingnan kung paano ito nagperform mula noong nagsisimula palang ito, not just over the last few months.
Just because an investment is doing well right now doesn’t mean na ito ay magpe-perform in the next six months, at kahit na ang isang investment na may solid past performance ay hindi naga-guarantee na magpe-perform in the future. Kung hindi ka maingat, mauuwi lang ito sa pagkalugi.
I-assess ang iyong Comfort with Risk or Risk Appetite
Komportable ka ba sa pagloan para sa investment na maaaring magfluctuate in value? Kaya mo bang mawala ang collateral mo? Kung ikaw ay nakatutok sa balita, marahil alam mo na maaaring magbago ang market sa isang kisapmata. May mga taong kaya i-tolerate ang ganitong risk para sa mataas na potensyal ng return ngunit kung hindi ka isa sa kanila, ang pag-loloan para mag-invest ay maaaring magdulot ng pag-aalala sayo.
Again, ang pag-loan ng pera upang mag-invest can pay off kung alam mo ang iyong ginagawa, siguraduhin na ang return of investment is greater than the cost of the loan.
Global Dominion Financing Inc. (GDFI) is the Philippines’ number 1 lending company offering OFW Cash Loan, Doctors Personal Loan, Car Collateral Loan (Sangla ORCR), Car Financing, Car Loan Takeout, Medical Equipment Financing, and Truck Financing. To apply now, just click here.
Source: investopedia, smartasset