Ipon Tayo, #GlobalPinoy!
Kadalasang problema ng mga Pinoy ngayon ay ang kawalan ng kakahayang mag-ipon ng pera, dahil na rin siguro sa dami ng bayarin. Kung ganito din ang iyong problema, read this para makatulong sayo.
Set Goals
Unang una sa lahat, dapat meron kang financial direction. This is the most important thing that you need to realize bago ka mag-ipon. Bakit ka ba nag-iipon? Para saan? Nag-iipon tayo dahil may gusto tayong ma-achieve. For example, nag-iipon ako dahil gusto kong makapag-pundar ng bahay after 3 years. Ang goal na ito ang magiging inspirasyon mo sa pag se-save.
Be Consistent
Dapat maging consistent ka sa pagse-save. Every pay day may nakalaan na dapat para sa savings mo. Hindi mo pwedeng sabihin na “Hindi na muna ako maghuhulog sa savings ko, dahil may bibilhin akong bagong bag.” Ayan ang iwasan mo dahil magiging habit mo ‘yan. Ang tendency hindi magiging consistent ang iyong pag-iipon. Kadalasan na 20% ang ininatabi ng mga Pinoy kapag sila ay nag-iipon.
Be Disciplined
Maging disiplinado when it comes to money. Umiwas sa pagbili ng kung anu-ano na hindi naman importante. Wag piliin ang short term pleasure over your savings. Sabi nga nila, suffer now and enjoy later.
Avoid Temptations
The best example for this ay ang mga workmates natin na laging nagyayaya mag lunch out, mag-coffee, milktea at kung anu-ano pa. Another example ay yung mga sale sa malls and trending stuff na talagang matutukso kang bilhin kahit hindi mo naman ito kailangan. Magkaiba ang wants sa needs, doon ka lang muna dapat sa needs. Always remember, everytime money moves somebody is earning. Pero kapag mas pinili mo itong i-save, bukod sa ikaw ang makikinabang, mapapalago mo pa ito.
Find Another Source of Income
If you are working mag-isip ka ng pwede mong maging part time business na hindi mo need masyadong bantayan at hindi mo rin naman mapapabayaan ang iyong trabaho. Nowadays, madami nang opportunities para makapag-business. Maghanap sa internet or mag-isip ng negosyo na pwede mong simulan habang ikaw ay nagtatrabaho. Katulad nalang ng pag-vlog na patok na patok ngayon.
Do not save what is left after spending, but spend what is left after saving. Share your questions and feedback on the comments section, or email aoguanzon@gdfi.ph.