Ang Pagbabalik ng ROTC sa Grades 11 at 12
Mukhang tuloy-tuloy na ang pagbabalik ng implementasyon ng ROTC o Reserve Officers’ Training Corps sa mga paaralan, nang i-certify ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bill ukol dito as “urgent”. Sakaling maibalik, ito ay ipapasok sa mga aralin ng mga nasa Grades 11 and 12 sa lahat ng private and public schools sa buong Pilipinas.
Maliban sa Pangulo, maraming Pilipino rin ang humuhimok sa iba pa nating kababayan upang suportahan ang tuloy-tuloy na pagbabalik-implementasyon ng naturang programa sa mga paaralan, para muling umiral umano ang pagpapaunlad ng disiplina, pakikipagkaibigan, pakikitungo, at pakikipag-kapwa-tao. Dinagdag din ng Pangulo na malaki ang maitutulong ng naturang programa sa pagpapayabong ng patriyotismo at pagiging makabayan ng kabataan, “to invigorate their sense of nationalism and patriotism necessary in defending the State and to further promote their role in nation-building,” “instill patriotism, love of country among our youth,” ika pa nya.
May ilan namang tutol sa pagbabalik ng ROTC, dahil sa ilang mga naiulat na karahasan sa kabataan kaugnay ng ilang mapang-abusong officers sa loob ng organisasyong ito. Marami rin ang nagsasabing wala namang tunuay na mabuting maidudulot ang programa, maliban sa pagiging bahagi ng isang grupong maaaring maging kaibigan mo. Maliban sa mga magulang, may ilang guro din ang tutol dito dahil naililigaw daw ang atensyon ng mga mag-aaral mula sa mga mas mahahalagang leksyon sa mga subjects, at kadalasang mas naitutuon ng ilang kabataan ang mas malaking bahagi ng kanilang oras at atensyon sa mga aktibidades ng ROTC.
Ayon sa ilan naming nakapanayam, naging malaking bahagi ng kanila high school life noon ang ROTC, at doon nila natagpuan ang ilang mahahalagang taong naging bahagi na ng kanilang buhay hanggang sa pagtanda. Maraming aral ang naibigay sa kanila ng kanilang mga karansan mula dito na magpahanggang sa ngayon ay naa-apply pa nila sa tunay na buhay. Ang pagkakaibigan at “bonding” buhat sa implementasyon ng naturang programa ay hindi pangkaraniwan, ika pa ng marami sa kanila.
Kung tutuusin, hindi lamang sa pagiging makabayan at patriyotismo ang magiging epekto ng ROTC sa lipunan. Ang mga mas disiplinado at mas makabayang kabataan ay magbubunga ng mas malinis na kapaligiran, mas maayos na daloy ng trapiko at mga negosyo, mas mapayapang lipunan, at maaaring mas maunlad na ekonomiya. Mas maunlad na ekonomiya, ay nangangahulugan ng mas masaganang buhay! Marahil ay maaari ngang mas maraming mahusay na epekto ang pagbabalik ng ROTC sa bansa. Ikaw, ano sa tingin mo? Magiging mabuti ba ang pagbabalik ng ROTC sa mga paaralan? Mag-react sa comments section.