Mga Negosyong Patok Pag-uwi Mo Sa Pinas Kabayan!
Ayon sa pag-aaral ng Social Enterprise Development Partnership, mula sa (10) sampung OFWs, (8) walo rito ay natuklasang walang naiipon sa pagtratrabaho nila sa ibang bansa. Sapagkat sila lang ang kadalasang inaasahan ng kanilang pamilya na magpapadala at magtutustos sa pang-araw-araw na mga pangangailangan. Kadalasan sa mga OFW na umuuwi na ng permanente sa Pilipinas ay nahihirapan kumuha muli ng trabaho. Dahil marami sa kanila ay matanda na o hindi kwalipikado sa gusto nilang pasukin.
Bilang isang OFW mahirap isipin ang posibleng kaharapin ng iyong pamilya kung wala ng source of income. Subalit, ang katotohanan ay hindi habambuhay, ikaw ay mananatiling malakas. Darating ang panahon na kailangan mo na tumigil sa pagtratrabaho sa ibang bansa at umuwi sa piling ng iyong pamilya.
Planuhin na ang iyong career change! Marami sa mga dating OFWs ay sa business nagtatagumpay pag-uwi sa Pilipinas.
Ito ang mga sumusunod na negosyong patok ngayon, of course, maliban sa sari-sari store:
Food Cart – Alam naman natin na karamihan sa ating mga pinoy ay mahilig kumain. Pwede kang buong panatag na magsimula ng sariling mong brand kung mahusay ka naman magluto, o pwede rin naman mag-franchise.
Online Shop – Nauuso na din ang magtinda online ng mga gamit katulad na lang ng damit, sapatos, relo, atbp. Maghanap ng magandang supplier ng produkto, magkaroon ng magandang paraan sa pagbabayad at taga-deliver ng produkto sa mamimili. Basta’t maging aktibo ka lang sa pag po-post ng mga produkto at sa pag sagot ng mga tanong ng mga mamimili ika’y kikita. Maaari mo itong gawin ng may sariling website at Facebook page, Instagram or lumahok sa mga marketplace online gaya ng sa lazada at shoppee.
Internet Cafe – Maaaring hindi na ganoon kalaki ang kitaan dito, lalo na sa umpisa, subalit patok pa rin ito sa mga piling areas. Mas maganda kung ang lokasyon na pagtatayuan ng shop ay kung saan malapit ang mga gusaling maraming nangyayaring transactions.
T-Shirt Printing Business – Karamihan ng mga pinoy ay mahihilig sa damit at isa rin ito sa mga hindi mawawala sa ating listahan. Maraming nauusong mga disenyo ng damit katulad ng Couple shirts, Fandom shirts, Hugot shirt at iba pa. Minsan pa nga maraming umoorder ng mga costumize shirts kaya hinding-hindi ka mauubusan ng disenyo.
Car Wash at Repair Shop – Marami na ang may sasakyan ngayon dito at dumadami pa dahil ginagawa rin itong pagkakakitaan ng mga may-ari nito. Hindi lahat sa kanila ay may oras at panahon mag ayos at maglinis ng kotse o kaya naman may mga sapat na kaalaman sa pag-aayos ng sirang sasakyan.
Ilan lamang ito sa mga nauusong negosyo, basta’t pag-aralan lang mabuti ang gustong pasukin at samahan ng sipag at tiyaga, at siguradong magbubunga ang iyong pagsisikap.
Kung ika’y nangailangan ng tulong pinansiyal sa papasuking negosyo, mag-apply lang ng loan online sa Global Dominion Financing, Inc. (GDFI)