Paano Ka Pwedeng Mag-ipon Bilang Isang Empleyado?

Empleyado ka ba, at naghahanap ng paraan para maka-ipon ng pera? Sumuswledo pero tila parating nauubusan ng pera? Maaari ka naming matulungan. Inilista namin ang iba’t-ibang paraan na ginagawa ng mga empleyado sa iba’t-iba kumapanya para makapag-ipon. Narito ang resulta mula sa isang independent survey.

1.) Magbukas ng isa pang bank account.

Isang bank account na ikaw lang ang nakakaalam at tinatransferan mo ng 10% mula sa iyong sweldo tuwing kinsenas-katapusan. Mas mainam kung mayroon din itong katuwang na online account, upang mas maging madali ang pagtransfer ng pera, at hindi makasanaya’ng magtungo sa bangko upang mag-wdithraw. Yun nga lang, magiging madali ring gamitin ang nasabing account sa mga online purchases, kaya, ingat na rin!

2.) Makilahok sa mga Ipunang Panggrupo.

Kadalasan din na tinatawag itong paluwagan, kung saan ang bawat miyembro ay nagbibigay ng napagkasunduang halaga tuwing araw ng sweldo at ang bawat isa ay sumusweldo mula rito. Ang swelduhan ay maaring isang tao kada buwan, gaya ng regular na paluwagan, o sabay-sabay at pangkalahatan kung saan lahat ay susweldo sa dulo pa lamang ng panahon ng ipunan. May pagkakatao’ng binubuksan rin ang pondo para ipautang sa mga miyembro nito o sa ibang tao. Ingat lang, dahil malulugi ang lahat kung hindi mababayaran ang ipinautang na salapi.

3.) Mag-advanced Bills Payment.

May ilan ding nagbabayad ng lagpas na halaga sa kanilang internet o phone bills – ilan lamang ito sa mga bills na pwedeng bayaran ng sobra, kadalasa’y hindi mo ito magagawa sa electric or water bills. Sa ganitong paraan maaaring maipon ang halaga at sumapat sa isang buong buwan na pambayad ang matitipid mo sa mga susunod na panahon.

4.) Ang walang-kamataya’ng alikansya.

Maghulog ng pera sa iyong alikansya sa regular na paraan. Maari rin nama’ng gumamit ng gabay, gaya ng mga laganap na ipon challenge, kung saan may schedule at takdang halaga ang inihuhulog na pera. Ingat lang at baka mawala ang alikansya – sayang!

5.) Bumili ng gamit na maaaring ibenta sa panahon ng pangangailangan.

Yes, uso pa rin ang pagsasanla o pagbebenta ng mga gamit at mahahalagang bagay, gaya ng alahas, mamahali’ng bags at relo, pati na rin sasakyan. May gamit ka na, may macoconvert ka pa sa pera kapag kailangan mo na! Kadalasa’y luxury bags na ngayon ang binibili ng maraming babae upang magamit na rin sa pang-araw-araw at maibenta na rin kung kakailanganin. Huwag magdalawang isip na magtanong at magresearch ukol sa bibilhing gamit upang makatiyak sa kalidad, lalo na kung naguumpisa ka pa lamang. Maraming pekeng alahas at bags ang nagkalat sa maraming bilihan.

Walang tiyak na iisang paraan upang maka-ipon ka, lalo na kung likas kang magastos. Pero kung meron ka namang laging sobra sa sweldo mo, mabutihin mo na ring subukan ang isa sa mga ito para mapakinabangan mo rin sa hinaharap. Kung hindi epektibo ang isa, ay maaari mo namang subukan ang iba pang paraan.

Kung may tanong o feedback hingil sa artikulong ito, mag-email lamang sa cpguanzon@gdfi.ph.