Public Schools, Mas Gusto Ng Mas Nakararaming Magulang Para Sa Kanilang Mga Anak

56% sa mga respondents sa isang independent survey na isinagawa noong nakaraang dalawang taon, ang nagsabing plano nilang i-enroll sa isang public school kesa sa private school, ang kanilang mga anak sa mga sumusunod na kadahilanan.

  1. Mas Mura ang mga Bayarin
  2. Mas Bihasa ang mga Guro
  3. Mas maraming makakasalamuha ang mga Bata

Marami sa mga nagsabing mas mamabutihin nilang sa private school pag-aralin ang kanilang mga anak ay ibinigay naman ang mga sumusunod na dahilan.

  1. Sariling karanasan (sa private din nag-aral noong kabataan)
  2. Mas kaunti ang mga mag-aaral, kaya mas mapagtutuunan ng atensyon ng mga guro ang mga Bata
  3. Mas malapit

Datapwat kung susumahin, higit na marami ang bilang ng mga magulang na sa public school ini-enroll ang kanilang mga anak. May ilan ring ipinunto ang pagkaka-iba-iba ng mga public at private schools depende sa lugar – gaya ng may ilang public schools kung saan kaunti lamang ang mga estudyante, at may ilan rin namang private schools sa napupuno ang silid-aralan. Malaki rin ang pagkaka-iba ng ilang private schools pagdating sa tuition fees.

Ano ang iyong opinyon hingil dito? Sa nagbabagong panahon at sistema ng edukasyon ngayon, saan na nga ba mas mahusay pag-aralin ang ating mga anak?

Kung may tanong o suggestions hingil sa nilalaman ng sulati’ng ito, mag-email lamang sa cpguanzon@gdfi.ph.