Why Filipinos Love Ber-Months

Kapag dumating na ang “Ber-Months” sa Pilipinas (September to December), ramdam na agad ang saya! Lahat nag-uumpisang maghanda para sa pinakamahabang Pasko sa buong mundo. Ang mga shopping malls at online stores ay may early discounts, kaya perfect ito para makabili ng gifts para sa pamilya, friends, o kahit para sa sarili. Extra exciting ang shopping kasi ang saya maghanap ng great deals!

Pagsapit pa lang ng September, makikita mo na ang mga festive decorations tulad ng parol, Christmas lights, at Christmas trees sa mga bahay, opisina, at kalsada. Proud ang maraming Pinoy na mag-decorate nang maaga, nagpapakalat ng good vibes hindi lang sa pamilya kundi pati sa mga kapitbahay. Ipinapakita nito kung gaano kahalaga ang Pasko sa atin. Isang highlight ng season ang mga Christmas parties, kung saan nagkakaroon ng kasiyahan, games, at food sharing kasama ang mga katrabaho at kaibigan.

Isa pang inaabangan tuwing Ber-Months ay ang malamig na panahon. Kahit tropical country ang Pilipinas, ramdam ang mas preskong hangin na perfect para sa mga Christmas bazaars, outdoor events, o chill nights with family. Ang gift-giving, na parte ng culture natin ay nagpapalalim ng relasyon at nagbibigay ng saya sa ating mga loved ones.

Para sa mga empleyado, ang Ber-Months ay panahon ng year-end bonuses at vacation leaves. Best time ito para mag-relax, magbakasyon, at mag-spend ng quality time with family. Ang mga gatherings tulad ng Noche Buena, reunions, at Christmas parties ang highlight ng season, making the Ber-Months a time of love, generosity, at togetherness.

Established in 2003, Global Dominion aims to ignite and accelerate growth of people and organizations to transform lives for the better. Its products include car refinancing or  Sangla OR/CR , Doctors’ Loan, Car Financing, Brand New/Used Truck Financing, and Sangla Titulo for Business Owners.

Visit gdfi.com.ph to learn more.